Monday, August 22, 2016

Spirit of the Glass



Ispirito ba ng baso kamo? Madami na nabiktima nito, at isa na ako dito. 

Nasa grade 4 na ako noon, at tanda ko na na-engganyo ako ng aking mga kaklase na mag spirit of the glass. Ito ang uso noon. Kumuha kami ng isang baso na plastic sa canteen. At dahil sa makaluma pa noon ang desenyo ng mga classroom, meron kaming isang malaking binta at doon sa may bintana na yun, dun kami umupo pabilog at isa-isang nilagay ang hintuturo sa nakataob na baso sa gitna. Inutos ng pasimuno na ipikit namin ang aming mga mata, ang ilan ay kusang sumunod dahil labag sa loob ko ang pagpikit. Gusto ko makakita ng multo kahit ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pero sa huli pinikit ko din ang aking mata. Nag concentrate ang lahat sa baso. Nagulat kaming lahat ng biglang may sumigaw, "GUMALAW ANG BASO!" 

Napabalikwas ako. Natakot ako na baka sakin sumapi yung kaluluwa ng baso. Sa kasamaang palad ay walang nasapian, dahil tapos na ang lunch break at dumating na aming guro. 

Tuloy ang buhay sa pagiging abno ng isang grade 4 na estudyante.

 


Thursday, July 28, 2016

Bata Bata Pano ka Naging Matanda

Lahat nga ba ng first time ay masaya o masarap?

Ang aking unang ngiti ang naging kaligayahan ng aking ama at ina. Limitado lang ang aking alaala ng aking pagkabata. Sa mga post sa  Facebook nalang ng throwback ng 80's o 90's kid ko narereminise ang aking pagkabata.

At dahil sa first child ako, tinamasa ko ang lahat ng sarap sa buhay. Naalala ko ang aking laruan na manika na kulot kulot ang buhok, buhay pa rin yun hanggang ngayon nakita ko naka-display sa tokador sa kuwarto ng ama at ina. Ang aking school nung kinder ako at yung Chinese costume na sinuot ko ng may event sa school. Ang aking ka-partner sa sayaw na mas matangkad pa ako dati, na ngayon ay malahigante na. Na pilit kami pinagrereto ng aming mga ina dati dahil pareho daw kaming mukhang Chinese.

Kindergarten. Birthday ko. Umaga palang ng araw na yun, naramdaman ko na na ito ay isang araw na hindi ko makakalimutan. Dahil siguro hindi pa uso sakin ang tubig dati, nahirapan ako sa pag iri sa banyo. Sinisigawan na ako ng aking ina dahil late na kami para sa aking selebrasyon sa aking school. Wala ako nagawa kung hindi pumasok ng school na naka-dungaw ang konting echas. Isang pagsubok ang makipaglaro, umupo ng normal at maglakad. At dahil sa kaawaran ko, wala makapag reklamo na mabaho pag ako ay kanilang kalapit.


Elementary. First crush at first love letter. First crush ko ay noong nasa grade six na ako. Dahil ako ay isang nerdo nagka-crush ako sa isang sepak takraw player. Kimpy ang kanyang buhok dahil yun ang "in" ng panahong yun. Nakalimutan ko din sya noong pinahiya ako ng mean girls ng school dahil may crush din pala sila kay Emilio. Oo, Emilio nga pangalan nya, bigla ko naalala.

First love letter. Grade 3. May mga nag cacamping sa field ng school na boyscouts na galing sa iba't ibang school sa buong bayan. May biglang lumapit sakin na naka boy scout uniform, kulay tae ang boyscout uniform dati. Isang grade 6 student ang nagbigay sakin ng love letter. Gerald naman ang kanyang pangalan (sa aking pagkaka-alaala).

Itutuloy...